Normal-normalan Mode
i dont know but i have this weird feeling of not being lonely at all..hehe. despite of all the shits that has been coming along this month, i still dont feel like hiding behind the covers and succumbing into a forced sleep. i mean, this month has been too much to handle. school has become too much to handle. since we're finally doing a short film (20-minuter) for bc130, i know that my succeeding weeks will be spent on shoots and all those artsy-fartsy tasks in filmmaking. as our group's cinematographer, i know i must do something to make our film achieve that look and feel of a real movie.haha.. truth is, im never good in handling the camera, so i guess this time i might as well learn a bit harder on dealing with the lenses.
this is really unlikely because i am not planning to write about angst and loneliness this time. such themes that have been a deemed cliche in my blog. yeah, may i just borrow brian's concept of a nostalgic writer. i think i am a nostalgic writer. i remember kacey telling me that i am a "ma-angst writer", which is so true considering all the things that i wrote about. but then again, this moment is a different theme for me... and i am considering a more hopeful and positive astmosphere for this blog. and to start this fresh metamorphosis, let's try Tagalog...
************
...haha..grabe.. tagalog naman ang drama ko ngayon.. wala lang, di ko kase feel magdrama ngayon...kase nga..kase nga..happy ako.haha. wait, di naman completely happy, ung as in nirvana na or 7th heaven or cloud9 ang feeling, basta hindi lang ako malungkot ngayon... ayun may narealize lang kase ako eh. pwede bang i-share?hehe..
ayun, nung umuwi kase ako, nagkaroon ako ng chance na makipag-bonding kay ate jayterry.. una tawanan lang tapos biglang seryoso na ang topic.. tapos may hypothetical situation akong hiningan ng reaction sa kanya.. tapos un, sa sagot niya.. may natutunan ako.haha.. drama. hindi nga, basta may pinarealize siya sa akin.. di ko na sasabihin.. kulitin niyo muna ako bago ko ibugar.hehe..
tapos happy din kase nakausap ko na si nitz sa wakas! bus-busihan din kase siya ngayon.. buti na lang nakasingit ako sa sched nia.haha.. kase di ko kaya na hindi siya makausap sa loob ng isang buwan! dapat makwentuhan ko siya or makibalita manlang kung kamusta na ang kainitan ng pampanga. haha. ayun, ayos naman... andami naming napag-usapan; from movies to school to love to high school and elementary days! fyi, mabenta kase si nitz sa mga elem classmates namin ngayon eh.. nagtetext naman na sa kanya si toooot.. tska si toooooot..haha! (chismosa talaga!)
next, happy na naman ako kase natapos ko ung comm199 na review of related lit ng research ko.. bwisit un! napiga ang ideas ko.. tuloy ngayon puro hangin nalang laman ng utak ko. at bwisit ulet kase dahil sa comm199 naging insomniac ako... kainis... di ako makatulog sa gabi.. as in literal.. pero happy pa rin... smile pa rin. (freaky ba?! naka-smile sa gabi????)hehe..
tapos, excited na rin ako magsummer.. plan kase namin ni anne na mag-diliman this summer! why not!hehe... kaso lang feeling ko hindi ata pagaaral ang aatupagin ko sa manila! parang bakasyon grande kase ang plano ni qevz sa stay namin sa kanila. pero sana makapag-aral pa din naman kahit konti.. dapat pumasa ako sa PI or else kailangan kong kunin yun dito sa baguio...which is not a good idea. pero ia-abuse ko talaga ang pagstay sa manila.. ngayon ko lang kase makakasama ng matagal ung mga elementary/highschool classmates ko na dun nag-aaral. haha.. excited na talaga ako.
ayun, happy na naman ako kase wala na akong reason na maging sad ngayon.(may sense ba tong statement ko??)hehe.. this is finally letting go of an old feeling.. as in final na talaga to.. promise.. as in literal na out na ang pagiging sad sa isang situation na ni minsan eh hindi naman talaga nangyari.
lastly, happy ako kase excited na ako sa outcome ng film namin.. sana maganda.. sana award-winning.. haha.. dream on. basta sana okay ung kalabasan para mapanood ko kina mother and father.. malay mo, extra big increase of allowance ang kalabasan ng film..sana.hehe..
isa nga lang ako di ako natutuwa ngayon eh.. Long exam kase sa journ106 bukas.. mukhang mahirap pero sana kayanin ko.. kaya ngayon ipa-publish ko na itong munting diary entry ko at magbasa na ng readings kay sir jawo.
(ngayon ko lang napansin, walang koneksyon ung title ng blog ko sa sinulat ko..okay na yan...hehe..)


1 Comments:
شركة المثالية للتنظيف بالدمام
Post a Comment
<< Home