Monday, January 15, 2007

diary mode 2

naks, dinadama ko na nga ata ang diary mode sa pagba-blog. nainspire kasi ako kay qevz na nangangarir sa blog niya. kaya kahit wala naman gaanong nangyari sa akin today, magda-diary pa rin ako. hahaha.

kanina, as in sa buong sem, first time kong pumunta sa library. wala lang. nakakatuwa lang kasi tuwing nasa lib ako, feeling ko ang sipag sipag ko tsaka ang tali-talino ko. hahaha. feeling ko lang naman. kasi madalang lang talaga ako sa lib, hindi ko gusto ang atmosphere dun eh. parang may humuhugot sa akin palabas. pero kanina, karir kung karir ang paghahanap ko ng books na kelangan ko para sa report ko sa polsci. hay, ang boring boring ng topic ko pero no choice eh, hindi ko pinangarap na maging delingkwente sa polsci at hindi maka-graduate. kaya gora na lang ako sa pag-aaral. hehe.

grabe ang buwan na ito. haggard kung haggard. busy mode. hehe. iyong tipong tulog-na-lang-ang-pahinga mode?hahaha. joke lang. kasi nakaka-pressure talaga tuwing january kasi lahat na lang nira-rush mo. kasi nga, happy ka buong december at lahat ng trabaho ay next year mo na binalak tapusin. sadly, ito na po iyong next year. huhuhu. kaya patay patay talaga ako sa dami ng requirements. hehe. pero iyon na nga, feeling ko naman kaya ko pa. magagalit kasi si qevz sa akin pag sinabi kong busy ako. kasi hindi namin nili-live by ang mga naformulate naming ideals tungkol sa pagiging busy. hehe. kaya kahit t-o-x-i-c na nga ang school life according to those very busy people that qevz and i have in mind, happy pa rin ako. thankful talaga ako kay qevz and anne last summer kasi dahil sa kanila na-overcome ko ang pagiging paranoid ko about school. last summer lang talaga natuto na huwag maging paranoid. boy kampante at girl kampante kasi kami noon, pero fun fun fun lang. hehe. thankful ako sa kanila kasi ngayon ang pagiging tamad naman sa school ang dapat kong i-overcome. hahaha.



*********************

Natutuwa talaga ako sa blog life ni qevz. atleast ngayon may blog na din siya. kasi sa aming vaughne, si nitz lang tsaka ako ang binalak gumawa ng blog, tapos si nitz hindi na rin active sa blog niya. on sabbatical ang drama. hehe. tsaka naku, parang hindi ko ata mai-imagine na babalaking magblog ni creck and utz. hehe. kaya natuwa ako na may blog na si qevz, atleast alam ko na mga raket niya sa pang-araw-araw. hehe. tapos, iyong recent blog niya ang kumumpleto sa gabi ko. pinatawa niya ako ng literal! ahaha... iyong tipo ng tawa na walang breeding? ganun ang tawa ko nung binabasa ko iyong blog niya!

ito iyong excerpt of blog niya na panalo talaga! qevz, hiniram ko sandali iyong entry mo ha? hehe.

***nakakatawa kanina, kausap ko mommy ni jam sa comedor ng bahay nila. katabi ko yung helper nila na naghihiwa ng sibuyas. animal, napaiyak naman nako. ewan ko ba. para akong gago. nahiya nga ako bigla sa mommy nia kase nasakto nung tinanong nia ko, "Gra-graduate kaya kayo?", bigla naman na tumulo luha ko. dios mio. sabi ko, sana po. Comedy talaga. baka akala nia masyado naman akong nagdadrama about sa graduation. unintentional ang luha ko. langyang sibuyas yan. ***



kamusta naman yun, di ba? nakakatawa pag navi-visualize kog iyong scene na yun eh. yung, tutulo bigla iyong luha niya. hahaha. comedy talaga si qevz. at pinasaya ang gabi ko sa pagbabasa ng blog niyang ito. hehe.

*********************

ang random ng mga naiisip ko today. kasi kanina, habang naglalakad akong mag-isa sa session road galing sa school, si God naman na ang nagpe-play sa isip ko. yeah, sobrang out of character sa akin iyon kasi there's no point of denying na dormant ang relationship ko kay God. ang laki talaga ng problema ko when it comes to my spiritual life. sobra. damang dama ko na ang sama sama kong tao kasi ni hindi ko man lang ayusin ang relationship ko sa Kanya. pero sa totoo lang, lagi niya akong bine-bless. araw araw iyan, kahit na nakakalimutan ko siya, sobrang pinapa-alala niya na mahal Niya ako. ang drama, noh? iri-rip-off ko muna ang term ni kacey, katulad niya, isa akong delingkwenteng kristiyano. as in, aminado ako doon. sobrang delinkwente. pero kamusta naman at kahit sa petty things na nangyayari sa akin everyday nararamdaman ko talaga ang presence Niya. iyong tipong lagi niya akong pinagbibigyan. basta iyong ganoon. dati nga nung nag-usap kami ni anne, napag-usapan namin ang relationship namin kay God. katulad ko, isa rin siyang lost sheep. tapos naisip na lang namin na kaya pala hindi lasting ang happiness namin kasi wala kaming healthy relationship sa Kanya. hay basta ganun.

damang dama ko ang pagiging incomplete ng life ko dahil hindi ako close kay God. iyong tipong hindi ko siya china-chummy kahit lagi siyang andiyan for me. hay, ang saklap talaga. ang sama sama ko talaga. pero, alam ko naman na, one day, babalik rin ako. ayaw ko kasing ipilit iyon eh. ewan ko pero iniisip ko na lang balang araw magiging close ulit kami. at pag nangyari iyon, alam kong magiging sobrang okay na ng buhay ko. iyong wala nang bitterness. iyon hindi ko na ulit ako malulungkot. basta thankful ako sa Kanya, kasi hindi pa rin niya ako nakakalimutan at lagi pa rin niya akong sinasamahan. hay, God, one day makakabawi rin ako sa Inyo. magiging close ulit tayo. i am really looking forward for that day na marerealize ko na ito na iyong "IT" day for me. alam ko malapit na iyon.

imagine, sobrang blessed ako sa buhay ko because of Him. kasi kung wala Siya, ewan ko na lang kung saang kangkungan ako pupulutin. every step of the way, nandyan lang Siya, a step behind...

hay, siguro ang blog entry na ito ay way ko na para masabi sa Kanya na thankful ako, for everything that He did and gave. hindi kasi ako madalas mag-pray eh. nakakalimutan ko. ang sama ko talaga. pero may time ako to fix things out.may naalala pala akong verse na natutunan ko sa sabbath school namin nung active pa ako, "in everything there is a season and a of purpose under the heaven". kitams, di ko pa memorize, pati iyong verse, nakalimutan ko na! delingkwente talaga. sorry po talaga. pero iyon na nga, alam kong one day makakabawi din ako sa Inyo. for now, all i can is im sorry for being so much of a sinner. as in so much. and i am waiting for the day na babalik na ako. for good. =)


0 Comments:

Post a Comment

<< Home