Sunday, January 14, 2007

diary mode

hay, 2007 na pala, ngayon ko lang narealiza. haha. para kasing kaka-bente uno ko lang last month tapos this december 2007 eh bente dos na ako nian. ayoko pa. hindi ko talaga bagay, kahit saang anggulo ko tignan. isip bata pa rin ang potek. sobrang childish ko kaya at alam kong damang dama ng mga kathesis ko ang aking utak-grade-3 mode lately. paano naman kasi. hay, basta. comedy lang. dalawang dekada na kasi akong utak grade 3. hehehe.

na-inspire akong magdiary mode tonight dahil kay qevz. di ko akalain na maiisipan niyang mag-create ng blog kasi first of all, hindi siya malungkuting tao. tapos bigla ko na lang nabasa ang kanyang blog na punung puno ng kadaramahan na hindi ko alam kung saan niya napulot. hehe. pero okay iyon, kasi nga blogs are supposed to be outlets to let out our supressed emotions and stuffs. naks, supressed emotions daw oh?hehe.

ano ba ang ida-diary mode ko? nothing much naman eh. kasi simple lang naman ang aking pang-araw-araw na pamumuhay. hahaha. i am living ang loving the life of a bum nga, di ba? kung gagawan nga ng pelikula ang buhay ko, malamang maging silent film yon, iyong hindi gaanong spectacular, iyong hindi influenced ng special effects and audio-visuals. more on visuals nga lang eh.. kasi nga tahimik akong tao. hahaha. kidding aside, wala, basta ang araw para sa akin lately ay ang makita ang pinakamamahal kong mga thesismates at magpunta sa place ni jade, ang aking galanteng friend. hehe. sobrang umay na kami sa isa't isa pero happy pa rin naman. kami kasi iyong mga tipo ng tao na happy lang sa buhay, i mean, right from the start, we promised ourselves na walang mangyaring conflict or awayan, na madalaas mangyari sa mga kaklase naming group thesis din. so iyong "brainstorming" moments namin ay hindi gaanong nagiging mabigat dahil nga we are such happy people. right, chiqui? hehe.

masaya ang thesis moments namin ngayon, in fairness...lahat active. kasi lahat kami ay dama na ang pressure to beat the deadline. pero okay pa rin naman, iyong feeling na ngarag ka pero happy ka naman. ganun. we are such happy people, remember? tapos kahapon, nag day-off kami. pero kamusta naman at magkakasama pa rin kami. day off nga naman noh? movie marathon lang ang naganap. shet, hindi namin kinaya iyong art film na pinanood sa amin ni job. putangina puro chorvahan, ate! hahaha. every other scene may sex. halimaw noh? hehe. pero women empowerment siya in fairness, kasi ang sex slave dun ay iyong lalaki. iyong girl na character? ayun, happpy lang siya sa pagiging sadista. hahaha. hindi ko ma-gets ang art sa film na iyon. siguro bobo lang talaga ako para hindi maintindihan ang istorya. disturbing kasi iyong mga scenes dun eh. tapos ni hindi ka man matutuwa kasi hindi maganda at gwapo ang mga bida. hahaha. napaka-mainstream ko talaga mag-isip. hehe. so ayun, hindi na namin binalak tapusin dahil kami lang ata ang napagod sa ginagawa nung characters sa film. napagod kami para sa kanila, i mean. hehe. tapos, ang banat si job, "alam niyo bang ang central theme niya ay war?" hay, naumay na kami sa sex scenes nila wala pa ring war! hehehe. kaya di na namin kineri at nag-"butterfly effect" na lang. hahaha. nakaka-aliw iyong film na iyon ni ashton. kaso lang out of character iyong pagiging sci-fi ng pelikula, i mean, for me lang ha. tapos, ang morale of the story na nabuo namin ay, "some things are really not mean to be". pero sabi ko naman, "if they're really not meant to be...then try a little harder." hehe. stalker mode talaga noh? hehe. basta all in all, masaya naman ang aming "the day-off that almost wasn't".

ito pa, andiyan na ang idea namin ng graduation. hay, sabi nga ni qevz, "isang matinding 'arya' na lang, makaka-graduate ka na, cza" hay, konting arya na lang talaga. sana lang talaga. kasi gusto ko na talaga ng change of phase. for once, hindi na ako matatakot sa changes. promise ko iyon sa sarili ko. kasi narealize ko, as in ngayon ngayon ko lang talaga napag-reflect, na hindi ko gaanong na-avail ang freedom ko dito sa baguio. i mean, sure thing wala ako sa tarlac, pero may mga inhibitions pa rin ako dito sa baguio eh. i mean, may mga standards pa rin akong nase-set sa sarili ko because of such instances that are beyond my control. napaka-vague noh? haha. see, pati sa blog kong ito, ni hindi ko na-aavail ang absolute freedom. shit, dahil ata sa akin naimbento ang salitang "oppressed". hehehe. totoo kaya, dito mismo sa blog ko, hindi ako free. may mga tao or instances pa rin na hindi ko ina-identify kahit elaborate na iyong details and stuffs. yung tipong blatant naman kung sino or ano talaga iyong gusto kong sabihin, pero chicken pa rin ako sa pagbibigay pangalan sa mga bagay bagay. mahilig akong utusan ang mga tao na mag-read between the lines. kaso lang may mga taong sobrang boplaks or tamang tinatamad lang talagang i-decode ang gusto kong sabihin. basta ganun.

ayun, kaya nga pag naguusap usap kami ng aking mga thesis friends, sobrang excited na talaga kami sa graduation. as in uber excited na. at himala dahil excited na din talaga ako sa change na mangyayari sa aming mga buhay. manila ang mode namin sa paghahanap ng trabaho. please lang, ayoko dito sa baguio dahil, alam ko na hindi fun fun fun an workplace dito. tsaka, iyon na nga, gusto kong i-avail ang freedom. hay, sabi ko nga buti pa iyong mga friends ko gora sa pagiging independent at paggawa ng mga gusto nilang gawin. pero ako, ayun, boxed-in pa rin. imagine four years kong kinaya yun? four years na dapat sana ay nagawa ko lahat, as in lahat ng gusto kong gawin, ng walang taong magja-judge sa akin. basta ganun. mahirap i-explain. at ayoko. hehe.

call center na ata ang first stop ko, kung hindi ko man agarang matupad ang pangarap kong mag-venture into writing.. yeah, call center, na sana naman ay matanggap ako or else bum mode talaga ako niyan, which is not good kasi mahiya naman daw ako sa magulang ko.hehehe. kahit mina-mock ni sir calderon ang call centers, dun ko pa rin nakikita ang pera. hahaha. "naghirap ka pang maka-graduate kung call center ka rin lang?" hay, basta, minsan sa buhay hindi lang puro ideals ang dapat isipin. dapat maging practical din. tsaka, hindi ko naman balak na forever na dun. to gain experience siguro. pero sabi ko nga, lahat ng pwedeng applyan na trabaho ia-avail ko. siyempre iyong related naman daw sa course ko ah. wag naman daw caregiver. hehe. or pwede rin akong maki-angkas sa plano ni nitzkie na magpunta sa korea at maging isang ganap na english teacher. hahaha. hindi ko bagay, alam ko. lalong lalo na wala akong passion sa pagtuturo. pero basta, bahala na. basta ang importante kelangan kong maging hopeful sa aking future.hehe.


basta this time, gusto ko talagang maging indie... hangga't maaari hindi ko pipiliin ang humingi ng tulong sa iba. lalung-lalo na sa mga taong walang tiwala sa kakayahan ko. marami kasing taong ganun eh. pero di ko naman talaga sila masisisi kasi bobo naman talaga ako. hahaha. basta kahit boplaks, utak grade-3, at walang kwenta ang piniling course sabi nga ng iba, marami pa rin naman akong pangarap. kahit mediocre lang ako, may goal pa rin naman ako sa buhay noh. ang wish ko lang sana na kung wala rin naman silang balak sumaya para sa akin, wag na lang silang mag-comment, di ba? nakakasakit kasi ng loob. nyayaya.... pinipilit ko nang alisin ang pagka-pessimistic ko pero may mga taong nagti-trigger na maging hopeless ako sa pagtingin sa sarili ko eh. tama bang mag-buhos ng sama ng loob? hehehe.

basta this 2007, gusto ko na talagang magbago.

gusto ko ng freedom, ng change of environment, ng bagong buhay. hehehe. di naman iyong tipong pang excon na bagong buhay, iyong bagong buhay lang ng isang taong anong petsa na eh hindi pa rin nagggrow as a person. i am happy to leave baguio. i am happy to get a life. and i am all excited to forget and give up, happily. mga ganung kadramahan ba.

basta. hopefully, three months na lang. konting tiis na lang talaga. as in isang matinding "arya" na lang talaga. excited na ako. thesis, matapos ka na, please? favor lang talaga.. hehehe.


*hala, karir kung karir ang diary entry kong ito. simple pa lang ang buhay ko sa lagay na iyan ha. paano pa kaya kung busy-busihan akong tao? hehe... iyong tipong "tulog na lang daw ang pahinga?" hahaha. i so hate busy-busyhan people. basta ang alam namin ni qevz, walang taong busy 24/7, hindi kasi iyon human nature. kaya please lang wag magpanggap ang ibang tao diyan. lalo na iyong mga katulad kong hindi naman maganda. ahaha. (kelangan talagang may usapin ng ganda?haha) =p

0 Comments:

Post a Comment

<< Home