after 48 years...
yey, two long months din palang hindi ako nakapag-sulat dito. sabihin na nating "on sabbatical" ang drama ko for the last two months na hindi ako nakapag-update. grabe. overwhelming. sobrang fast-paced ng naging buhay ko, iyong tipong sa loob ng dalawang buwan ay napagod din ako ng sobra. siguro sa thesis, sa ibang productions, sa bio, and yeah, sa biology. haha. alam ko sobrang far out pero muntik na akong hindi gruaduate dahil sa bio, sa isang GE na last sem ko lang nagawang makuha. kamusta naman iyon di ba? muntik na talaga... pero mabait pa rin talaga sa akin si God kasi na-tres din ako sa bio. haha. grabe, first ever tres ko iyon sa buong college life pero sobrang masaya na ako dun kesa naman singko at hindi grumaduate. nakakaiyak talaga iyong moment na iyon. akala ko nga katapusan na ng mga maliligayang araw ko eh, pero ayun, nagawan din ng paraan at nakagraduate din sa wakas.
apat na taon din iyon ah. pero sa totoo lang, feeling ko sobrang bilis talaga ng panahon. overacting talaga ang oras pag minsan eh. apat na taon din pala iyong mga masasaya at nakaka-homesick moments ko sa baguio. apat na taon din palang napudpod ang kamay ko sa kakasulat, apat na taon din palang napagod ang katawan ko dahil sa puyatan moments sa mga bc productions, at apat na taon din pala akong tumawa, umiyak, nanaginip. naghintay sa wala, at tumawa ulit. haha. okay lang iyon, kasi sa apat na taon na iyon, alam ko naman sa sarili ko na naging masaya ako kasama ang mga friendly friends na kasama ko sa pambabarubal sa mundo. hay, alam ko cliche na ito, pero nakaka-miss talaga ang college life. iyong feeling na bum ka pa rin at dependent sa magulang mo sa ultimong mga pinaka-simpleng desisyon sa buhay mo. dati sobrang gusto ko nang grumaduate, magtrabaho, at kumita ng limpak limpak na salapi. pero ngayong naka-graduate na ako at may trabaho na, parang gusto kong umurong at magpaka-bum ulit. pero ayun, reality check, graduate na ako at this time, in need na talaga akong maging matino at maging matalino sa mga desisyong gagawin ko sa mga susunod na araw at susunod pang mga taon. pucha, ang tanda ko na talaga. damang dama ko na talaga ang pagkakaiba ng workplace sa classroom, siyet! hehe...
oo na, oo na, call center ang first ever job ko, mediocre? siguro. underemployed? malamang. at alam ko na tumaas ang kilay ng iba diyan, , pero someday, pipilitin ko talagang maibaba ang mga kilay nila. haha. ang sakit kasi nung feeling na mina-maliit ka dahil lang sa pinili mong mag-umpisa sa sa mababa. at ang lalong masakit iyong feeling na mga "kaibigan" mo mismo ang nangmamaliit sa iyo. wow, no? siguro nga, ganun talaga ang buhay, minsan masakit talaga kumagat. pero ayun, susubukin ko pa ring maging okay ang buhay ko. susubukin ko pa ring maka-survive sa call center para makaipon. haha. wish ko lang na makapag-ipon talaga ako. buti na lang talaga supportive ang pamilya ko at sobrang thankful ako sa kanila dahil dun.
malapit na ako pumunta sa manila. hehe. promdi mode ito! hehe. excited na kabado and feeling ng malapit na magtrabaho. kasi last year, super laidback lang ang april at may.. pero this time, overacting ang buwan na ito dahil di ko manlang nagawang magbakasyon at magpahinga from a really stressful college life. gora kasi agad ako sa trabaho. masyado kasi ako na-excite nung na-hire ako at pirma mode agad ng contract. shunga talaga ang lola mo! haha. kaya ito, kahit na april pa lang, kailangan ko na agad magbanat ng buto at dumaldal ng literal. hehe.
excited talaga ako. ang corny noh? hehe.


<< Home