Monday, March 20, 2006

i so miss blogging.. as in to the highest level. pero di pa rin ako makakagawa ng matinong blog dahil sa lintik na acads na yan. lahat na ng friends ko, nagsi-uwian na ata pero ako'y nagle-legwork pa lang sa IR namin... huhu. sa april 4 pa bakasyon ko tapos sa april 17 ang start ng summer class, kamusta naman di ba? wala nang bakasyon! ang saya saya talaga ng sem na to. haggard to the nth power. todo effort ngayon kaya pag nasingko ako dito, ewan ko na lang. (bobo nalang siguro talaga ako..hehe)

masaya naman kahit daming tinatapos. ayoko kaseng mag-bisibisihan. di kase ako yung tipong ng taong sa sobrang bisi-bisihan eh hindi mo na makausap kase sa ultimong sa panaginip niya, feeling niya busy siya.hehe. basta, kahit hell month ko ngayon at kahit naiiyak na ako kase uwing uwi na ako, go pa rin ng go!hehe.. bukas na pala yung premier night ng 2nd UP Baguio Independent Film Fest, sana may mapanalunan naman film namin.. sana.. im keeping my fingers crossed until tomorrow night.hehe..

saka ko na kwento ang kahaggardan ng paggawa namin ng film. super pagod, as in. hindi joke. pero ok lang kase lagi food trip sa set kaya imbes na pumayat eh di siyempre nadagdagan nanaman ako ng pounds. yey! ang saya noh? go go go sa pagtaba.. pero ok lang. hehe.

o cia cia. namiss ko lang talaga mag-blog. saka na ung mga matitinong post pag happy na ulit ako.. pag asa paniqui na.

gusto ko na talaga umuwi..

nga pala may nabasa akong children's book sa national..

"happiness is the first day of summer," said the school girl.

so that means, di pa pala ako happy. lalo tuloy ako na-sad nung nabasa ko.. hehe.

la lang.