Tuesday, December 19, 2006

Of Overnights and Lost Shoes…

Haggard kung haggard ang buwan na ito for me and my thesismates. Bukod sa nawiwindang na ang aming pretty pretty wow adviser dahil sa di pa namin naisa-submit ang aming revised chapters 1-4, well, kelangang kelangan na talaga naming magseryoso bilang mga matitinong tao dahil deadline na ng finished theses ng lahat ng graduating students pagpatak ng first week of February. Madugo talaga ang eksena namin next year dahil shooting at completion na dapat ang drama namin Hay, nakakatuwa na nakaka-badtrip ang December ko ngayong taon. Kamusta naman at kaka-bente uno ko lang nung 14. masaya naman. May gift ako from zam and josh na super grateful ako, mga ate. At naigreet naman ako ng 98% ng mga mahal ko sa buhay. At may special greeting pa ko from my super housemate pj, nung naghost siya ng Pasiklaban/Oblation Run sa school. Medyo na-sad lang ako nun kasi di man lang ako naalalang i-greet ni nitz, ang aking bestfriend. Whatever the reason, tampo mode talaga ako. Haha. Medyo lang naman. In fairness, ang saya ng Pasiklaban ngayon compared last year… at mind you, hindi ako nasuka sa oblation run (last year kasi bigla akong feeling nasusuka nung nanood ako, nakakatawa). Tapos, fun fun fun din kasi kasama ko sina Chiqui, Anne, Jade and Ate Pat. Nagperform din pala sina Job, at grineet daw pala niya kaming mga ka-thesis niya… di ko sila napanood dahil pumuslit ako sandali sa kanila papunta kina zam at napa-shot ng di oras. Comedy nun… as usual, Maroon 5 mode ako pagbalik sa school. Salamat sa effect ng red lights dahil di gaanong halata ang aking nagmaroon na mukha. Haha.. tapos, kahit di ko sabihin na ako’y tumungga, alam na alam ng mga lola dahil hyper daw ako that time. Ahaha. Di naman noh. Medyo din lang.

Tapos na din ang aming survey sa wakas. Nakakatuwa magsurvey, super! Mix emotions actually kasi happy pag pumapayag iyong mga tao pero irita pag ayaw kami pag-bigyan sa pagsagot. Haha. Sarap sampalin ng mga tao lalo iyong mga kumag na sinisimangutan pa kami pag nag-aask kaming mag-survey. Tapos, tambay lang naman kami ng SM foodcourt, La Asotea, at Andoks sa Session Road para magpa-survey sa mga tao doon. Tapos, since ako ang pinaka-shy type (haha..) sa mga ka-thesis ko, lagi akong talo sa “race-to-five” game namin sa mga respondents. Pero masaya naman kase after ng survey, lahat kami ay uma-avail ng zagu na binabawas din sa funds namin. Haha. Kulang na nga lang ay mag-eyeliner kami at gawing spike ang buhok para magmukhang nang posero eh! Nyaha… Mga tambay kasi, nagha-hunting ng tao.

Tapos ito na ang badtrip at comedy na nangyari sa akin ngayong buwan. Nag-overnight kasi kami kina Jade sa Trancoville two weeks ago para lamayin na ang “supposedly” final script na para sa aming infotainment production. eh di siyempre literal na walang tulugan neh. Na hindi naman naging gaanong ka-productive kasi puro lang kami tawanan at kwentuhan as usual…nga pala, nanood din pala kami ng mga anime na pagcho-chorvahan. Ahaha! Very productive overnight indeed! Tapos nung medyo umaga nang ganyan, siyempre exit mode na kami kina jade para matulog na sa bahay. Obviously, para na akong hindi naka-apak sa lupa noon sa sobrang bangag at naisipan ko na lang mag slippers at literal na bitbitin ang aking sapatos. Ayun, kami po ay nagtaxi sabay sabay pauwi sa aming mga bahay. Make lapag ko sa taxi ang aking paboritong shoes at nang maka-labas na ko ng taxi, It took approximately 50 secs bago nag-process sa utak ko na naiwan ko pala sa taxi ang magaling na sapatos. Eh di siyempre nagfly-away na ang taxi at ako’y naiwan na lang in the middle of nowhere. Hehe. Buwisit talaga iyon! Kakabili ko palang iyon nitong sembreak nawala na kaagad! So now, may I lihim ako sa aking mother and father na nawala ang aking sapatos at mapipilitang magtipid at kumupit at the same time para maka-bili ng bagong sapatos. Pero please lang, hindi na ganoong design kasi maiiyak lang ako. Ahaha. Sabihin ko na lang kay mother na nakipag-palitan ako ng sapatos sa friend ko. W-o-W… very lame excuse, alam ko. Pero no choice eh. Hahaha.

Quotes for the Month:

Chiqui: Cza, ang sapatos na Pony, hindi naiiwan sa taxi… ninanakaw!
Chiqui: Cza, pahabol pa pala…. ang sapatos, hindi binibitbit… sinusuot po!
Anne: magaling, magaling, magaling!
Josh: balik uncivilized na naman ang paa natin ah.. ahaha. (after niya ako makitang naka-slippers ulit pagpasok sa school)
Sera: Paanong nawala iyon? Suot mo?

Pero anyhow, uuwi na po akong tarlac bukas, with my new shoes. Ahaha. Wala nang atrasan to noh dahil uwing uwi na din ako noh! Siyempre, gusto ko ding makipag-bonding sa aking lolo at lola na ngayon lang ulit umuwi ng pinas. Happy talaga ako sa pagdating nila kasi na-miss ko talaga magkaroon ng lolo at lola… after inang passed away last year. Hay, ang cool nina papa at nanay, kamo. Ang sweet pa ah... matutuwa ka talaga sa kanila lalo pag inaasar ni papa si nanay, nakakatuwa. Sana nga magtagal pa sila dito eh kaso uwi na sila before mag-new year. Pero atleast makakasama ko sila ngayon pasko… uuy! Drama ba? Hehe. Pero totoo iyon noh… super love ko kasi sila at alam kong super love din nila ako… yehey! =)

Overwhelming talaga ang buwan na ito. Matatawa ka na lang sa mga pangyayari eh… lalo na iyong sapatos na until now ay di pa rin ako maka-get over… lalo naman sina chiqui na tawa pa rin ng tawa pag naaalala ang kasablayan ko. Ahaha… hay, Merry Christmas na lang talaga sa ating lahat. =)